Tuesday, April 7, 2009

RULES NI MANANG

1. Bawal magbasa(as in wet) sa CR(mas mabuti, wag ka nang maligo)

2. Bawal isara ang bintana kung magbibihis sa CR(let everybody see your naked body). Mag momoist daw kasi.

3. Bawal mag ingay at gumawa ng kahit anong ingay, lalo na pag gabi kasi, magigising ang asawa nya. Tapos kung sya naman ang magsasalita, mas maingay pa sa kalabug ng paa ko. what the!?

4. Matulog as early as possible, kasi GABI NA DAW!!!

5. Isang oras lang ang nakalaan sa pag susurfing at pag gamit ng PC, kasi sayang daw sa kuryente(nagpakabit pa sya ng WLAN connection...)

6. Huwag na huwag kang tatae ng mabaho.

7. Magtipid ng kuryente, huwag nang magbukas ng ilaw kahit madilim.

8. Huwag nang mag reason out, dahil tiyak di ka pakikinggan.

9. Huwag nang makipagtalo sa kanya, tiyak ding hindi ka mananalo..

10. Panatiliing nakakabit ang sinturong pangkaligtasan, kapag nasa sasakyan ka nya.

11. Lahat ng bagay na nawawala o namissplace nya sa bahay nya, ay hahanapin nya saiyo.

12. Dapat gumising ng 7:50, upang pagsarahan sila ng pinto.

13. Maniwala ka na lang na mas magaling mag english si Rinna(younger sister ko) kay sa saakin.

14. Maniwala na magaling na sya sa lahat, at alam nya lahat-lahat, fetus pa lang sya sa uterus ng lola ko, magaling na sya.

15. Asahan na mas paniniwalaan nya ang kapatid ko.

16. Tuwing tumatawid, Huwag tumawid, kahit wala o meron mang sasakyan sa daan.(huwag ka na lang rin tumawid!)

17. Asahan mong lagi kang makakarinig ng "HINDI!"(*with raiza's tone*), "Lang Hiya!", "shocking!", at "SHA!".

18. Tipirin ang TIPID na.

19. Masanay nang maiwan sa bahay na kasama ang porbidang kapatid.

20. Magsight-seeng sa loob ng sasakyan.

21. patahimikin ang UTOT.

22. Masanay sa kaartehan nya.

23. Huwag magtagal sa CR, lalo na pag umeebak.

24. Sa babang CR tumae, para hindi mangamoy s ataas na CR.

26. Iopen ang bintana sa CR kapag Tatae.

27. Manahamik ka, kahit tahimik ka na.

28. Dapat ikaw magbitbit ng shopping bags nya.

29. Linisan mo ang kalat ng kapatid mo!

30. BAWAL MAGKALAT...

31. Bawal, Maglakad-lakad sa labas, Mamasyal sa Mall, Bawal ako magluto....kasi DELIKADO daw!


GOSH! BWISET! MARAMI PANG IBA BUKOD DYAN...SHEET!

NAKAKABADTRIP D2...TSAKA BAWAL DIN MAGCOKE...(A COKE A DAY KEEP THE BADTRIP AWAY!)

No comments:

Post a Comment