Friday, April 3, 2009

Liwanag


1:22 na ng madaling araw, biseng-bise akong gumawa ng project, wala pa akong tulog mula kaninang umaga, naka inom na ako ng limang tasa ng kape. whoo, hanggang ngayon di pa tapos, sinimulan ko kaninang hapon, pagkauwi ko galing sa skwela. wala pa akong kain ng gabihan, upang walang istorbo. pagpatak ng alastres sinave ko na sa computer ang nagawang proyekto, naghahanda na ako upang matulog, naghilamos ng mukha, sa paglakad ko mula sa lababo papuntang kwarto, nakaramdam ako ng sakit sa puso,parang pinupokpuk ng sang daang martilyo, at tinatadyakan ng limampung kabayo ang dib-dib ko. Ang sakit di namalayan napahiga na ako sa sahig, nakaramdam ng pagkahilo, at nagdilim ang aking paningin. wala akong makita...


Nanghihingi ako ng tulong ngunit walang sumasagot. Ang tagal bago ako may narinig... Sa wakas nakarinig na rin ako ng malakas na sirena, may sunog ba?. Sa gitna ng wala ako makita, sinubukan kong maglakad, binibilisan ko ang lakad, naririnig ko ang sigaw ng nanay ko, humahagulhol sa iyak, tapos may naramdaman akong nilagay sa ilong ko, ang lakas ng hangin. Naramamdaman kong may nagbuhat saakin. Inilapag ako sa isang strecher, Ipinasok ako sa sasakyan, Pinaandar na ang sasakyan, at ang katawan ko nama'y umaalog. Natagalan ako sa biyahe, At sa wakas nag park na rin ang sasakyan. Di ko na alam kung saan ako dinala, Pinipilit kong dumilat kaso, parang may bumabatak, at di ko mabuksan. Naalala ko bigla ang proyekto ko na kailangan ko nang maipasa mamaya. Pinipilit ko rin gumalaw kaso, pakiramdam koy nanghihina ako. Naramdaman ko na may parang itinurok saaking pulso. Ang sakit! sumigaw ako parang wala silang narinig. Naririnig ko ang tunog ng electrocardiogram, tit-tit-tit-tit, na biglang titititiititit.....

Di ko na marinig ang kabog ng puso ko, di na rin ako makahing, naghina at nanlamig ang katawan, naramdaman kong natabunan ako ng kumot, salamat naman, pang kontra ng lamig.

makalipas ang ilang oras ng liwanag lang ang nakita. Ayun at nakadilat na rin ako, Aba, mukhang me parada, nakaviolet lahat!, shucks, di ko naman birthday, Nagulat ako duun kina, Iksya, Tekla, Dwindy, Tutubi, Ika, kay Elam, at yung iba pa na ni minsan di ko pa nakitang nagsuot, napa wow ako. Niyakap ko si Iksya at tila walang naramdaman at Chinapa ba naman ako, parang biseng-bise sila sa pakikinig sa misa, Ayun at natapos na rin ang misa. Pumunta ako sa altar at nakita ko ang sarili sa kabaong, ayun at nalinawan na ako, kaya naman pala di maipinta ang kanilang mga mukha. sa kabila ng lahat, masaya ako, at nakita ko silang muli. Pumunta na sa sementeryo. Wow, ang lakas ng tunog, tila ako ata yung kumakanta... Narinig ko ang boses ko na kumakanta ng "friend of Mine" yun yung nirecord ko sa laptop ng nanay ko. atleast nagmukha akong recording artist,(kung gusto nyong makakuha ng album dalwin nyo ako sa libing ko). Ibinaon na ako sa Lupa, Mula sa ilalim, rinig na rinig ko pa rin ang tinig ng iyakan. Natatakot ako, pero muling ipinikit ang mata.

RIP
NarcissisticBlogger
Born: Yesterday
Died: Today
will be born again: LATER!

"I've known you for so long
You are a friend of mine
But is this all we'd ever be?
I've loved you ever since
You are a friend of mine
But babe, is this all we ever could be?

You tell me things i've never known
I've shown you love you've never shown
But then again, when you cry
I'm always at your side
You tell me 'bout the love you've had
I listen very eagerly
But deep inside you'll never see
This feeling of emptiness
It makes me feel sad
But then again i'm glad

I've known you all my life
You are a friend of mine
I know this is how it's gonna be
I've loved you then and i love you still
You're a friend of mine
Now, i know friends are all we ever could be

You tell me things i've never known
I've shown you love you've never shown
But then again, when you cry
I'm always at your side
You tell me 'bout the love you've had
And i listen very eagerly
But deep inside you'll never see
This feeling of emptiness
It makes me feel sad

But then again
Then again
Then again i'm glad "

1 comment: