Tuesday, April 14, 2009

Ang Munting Kulangot sa Loob ng Malaking Ilong

Nagliliyab na init ng panahon ang sumalubong kay Pedro Kulangot na nakatira sa Ilong ni Inday Tulo-Laway. Tulog pa si Inday, kaya tila may hamaharurot sa lakas ng hilik ng kanyang amo, gising na ang mga kulangot kahit walang tulog sa ingay, nagkakagulo na ang mga kulngot sa loob ng kuweba ni inday. Biglang tumila ang ingay, nanahimik...Gising na pala si Inday Tulo-Laway. Bago pa man tumayo si Inday sakinahihigaan, sinalop muna ang tumulong laway, at nangulangot, mamasamasa ang daliri ni Inday ng dumukot ng kulangot sa ilong. "Hala!" sigaw ng isang takot na kulangot, ang isa na may nanigas sa takot, at ang isang nagtapangtapangan ay sumigaw ng "DARNA!!!". Sa kabilang dako naman, Nadakip ang ibang kulangot, maswerte ang nanahimik na si Pedro sa gilid. Dahil sa kanyang kaliitan di sya nadakop. Halos ubos ang mga kulangot sa loob ng lungga, ngunit wala namang magawa si Pedro Kulangot. Nung kinatanghalian...

Nagulantang ang mga kulangot nang may pumasok na Coke sa loob ng kuweba. Ang ibang kulangot ay nandiri, ang iba na may natawa, ang iba na may natunaw sa Acido. Maswerte muli si Pedro Kulangot, dahil di sya natamaan ng Acido. Nung kinagabihin na, madilim na sa loob ilong ni Inday Tulo-laway, siya at ang ibang kulangot ay wala nang makita sa dilim. sa gitna ng kadiliman, may biglang pumasok na kuliglig. Ang kuliglig na may nagbigay ng liwanag, sa kasamaang palad napa-Hachung(sneeze) si Inday. Lahat ng kulangot, pati na rin si Pedro ay naalod ng sipon. walang natira sa ilong ni Inday...

AT DOONG NAGTATAPOS ANG KWENTO NI PEDRO KULANGOT.

-WAKAS-


Abangan:

-Ang Maliit na Kuto sa batang may Malaking Ulo

No comments:

Post a Comment