Iyang linyang yan ay hinding-hindi ko matatakasan, sa sobrang lamig ng panahon dito inom ako inom. Kahit naman mainit ang panahon, tungga parin ako ng tungga ng kape. Masarap eh. Agahan, Branch, Tanghalian, Mirienda, Gabihan, at Midnight snack. Kape ang panulak ko.
Noon isang beses lang sa isang araw, tapos 1/4 kutsarita lang, kaso ngayon. 5-10 baso na ang nilalaklak ko a isang araw at dalawang kutsarita na ng powdered coffee na purong kape ang iniinom ko.
Ganito ang timpla ko....
1 tasa ng mainit na tubig (yung maliit na mug)
2 kutsarita ng Nescafe Gold
1 kutsarita ng asukal
Masgusto ko kasi ang mapait na timpla, ayaw ko ng matamis, kasi parang kumakain lang ako ng asukal.
Feeling ko naadik na ako sa kape at tila every second gusto kong tumungga ng Kape. Tsaka mula sa katiting na amount ng powdered coffee, ngayon sandamukal na.
Masama sa katawan ko ang kape dahil inaatake ako ng arrhythmia. Pero bali wala lang talaga saakin, ni ginagawa ko pa ngang tubig ang kape eh.
Kahit sa Shake Cappuccino talaga ang flavor na pinipili ko sa zagu. Eh yung pati sa nail polish nga eh cappuccino. What a co-incident.
Anyways...
Nung nasubukan kong maraming kapeng iniinom, tila tawa ako ng tawa kahit walang nakakatawa at di ko alam ang dahilan. Ngayon naman tila pagod na pagod ako kahit wala akong ginagawa.
Kahit na sandamukal na kape pa ang inomin ko, nakakatulog pa rin ako. Araw araw na di nawawala sa katawan ko ang kape, kasi sa araw araw ba naman akong tumungga.
Ang pangit pa sa kape, iitim ang ngipin mo, pati na rin an g budhi mo. Malas mo pa kung maitim na gilagid mo.
May isang beses pa nga na nabuhos ko ang bung lata ng kape sa baso ko na may mainit na tubig, Wala akong nagawa at ininom ko na lang. Nung naubos ko yun, di na talaga ako nakatulog. Pumasok ako sa school ng walang tulog, pero sa totoo lang nakakapagod ding matulog.
Paalala lang sa mga kagaya kong malakas uminom ng nagsabing droga este kape:
Tungga pa tayo!!!