CHAPTER 7: I hab to GU
Tahimik, Gabi na, biglang nadulas nanay ko na aalis na ako papuntang Mars sa Monday. Tuesday na ngayon, pinagisipan ko pa kung sasabihin ko ba sa mga kaklase ko o sa araw na yun ko pa sasabihin. Sa kalikutan ng dila, di ko napigilan ang sarili na tawagan si Dwindy. sakto sa araw na iyon nalaman ko telephone number nila. Pinahanap ko sa PLDT. Dali-dali ko nang tinawagan
*tit-tit-tit-tit-tit-titit*
*kring......Kring.....Kring.....*
Biglang may sumagot..
Kapatid ni Dwindy: Hello?
Ako: Pwede po ba kay dwindy???
(walang imik na ibinigay nya kay dwindy.)
Dwindy: Hello?
Ako:Dwindy!!! aalis na ako sa monday....
Dwindy: Ha?!
Ako: Ayaw ko pang umalis (sabay iyak)
Dwindy: oh...
Ako: Ayaw ko na talaga!!!! (umiyak pa lalo)
Dwindy: (--Blanko--)
Ako: sasabihin ko ba sa kanila???
Dwindy: Ha? sabihin mo uie.
Me:( Hagulgol pa rin)
isang oras na ganyan ang conversation, at mga sinasabi. Natapos ang madramang usapan nung pinatulog na ako ng nanay ko.
Nasa kwarto....
Iyak pa rin ako ng iyak at namamaga na ng maliliit kong mga mata. Tapos pinatugtog pa ng ate ko yung kantang tumatak na sa aking pu
so't isipan. Dahil ang kantang iyon ay pinakilala saakin ng isa sa mga matatalik kong kaibigan.
Humiga na ako sa aking kama. Kaso di talaga ako nakatulog buong gabi. Wala na akong ginawa kundi umiyak.
CHAPTER 8: Kinabukasan...
Wednesday
Pati sa CR di ko pinatawad ang sarili at iyak pa rin ako ng iyak, at nagdadalamhati pa rin ako na tila namatayan, ni wala akong ganang kumain. sa bagal ng kilos na late pa ako.8:00 na ako nakapasok.
Pagdating sa school, Lumabas ako at sumunod si Dwindy, Niyakap ko syang mahig pit at umiyak, Nung nakita nila Tutubi, iksya at koreana na ako'y umiiyak, naki usisa na sila. Niyakap ko si Tutubi ng mahigpit at sinabi ang nalalapit na kalbaryo. Inabutan ako ni Iksya ng panyo...siningahan ko na kaagad para di na ipasauli.
Sa araw ding yaon ay nagplano na ako para sa despedida party ko. Nung kinagabihan ipinagpaalam ko na sa nanay ko ang despedida, at salamat naman at pumayag.
CHAPTER 9: PARTY PEOPLE
Eto ang listahan ng Dadalo:
1. Ika Hapon- Ang isa sa pinaka mamimiss ko ng sobra sobra. Sya na ang pinaka Go sa lahat ng Go...
2. Dwindy- good friend of mine.
3. Tutubing Siga- ang isa rin sa mamimiss ko sa lahat.
4. Iksya Pacute- a total of 2 handkercheif na nya ang napasaakin na naialay nya nung umiyak ako. Isang paboritong jacket din nya ang sapilitan kong hiningi.
5.Tekla Batugan- :(
6. Sapin-Sapin- Ang Bestfriend kong lalaki. Naging close kami kung kailan patapos na ang kalse.
7. Bibingka- inimbita ko para masaya!
8. Kakya kiat- Mamimiss ko ang kacutan nya.
9. Sikya Ungas- :(
1o. Tikoy-inimbita ko para masaya.
11. Blue Berry Cheese Cake- Di pwedeng mawala ang pinsan ko.
12. Koreana- Hindi mabubuo ang "Pranings" kung wala sya, kaya di rin mabubuo ang party ko kapag wala sya.
13. Manika Liit- Mamimiss ko ang kaliitan nya.
14. Gigi Ganda- :(
15. Dee-dee Liit- :(
16. Delya kagandahan- ang honeybunch ko.